Posted March 20, 2015
Ni Bert Dalida, YES FM
Boracay
Preventive maintenance
umano ang dahilan ng pag-apaw ng maruming tubig sa sewer ng BIWC nitong Lunes.
Sa text message ni Boracay Island Water Company (BIWC) Costumer Service Officer Acs Aldaba, sinabi nito
na patuloy ang kanilang ginagawang flow management bilang paghahanda sa mga
summer activities sa isla ng Boracay.
Kasabay nito, malaking
volume ngayon ng waste water ang hino-hold ng kanilang network kung kaya’t
umapaw ang kanilang sewer sa Sitio Bolabog nitong Lunes ng gabi.
Magkaganon paman,
siniguro ni Aldaba na mahigpit nilang imo-monitor ang lugar at iba pa nilang
lift stations upang hindi na maulit ang pangyayari.
Magugunitang dalawang
beses bumulwak ang mabahong tubig mula sa sewer ng BIWC sa Sitio Bolabog nitong
Lunes na nagdulot ng pagbaha sa kalsada.
Pumasok din ang
mabahong tubig sa ilang mababang bakuran doon na labis namang ikinainis ng mga
residente.
No comments:
Post a Comment