Saturday, March 14, 2015

Petrowind Energy magsasagawa ng testing ng power distribution bukas

Posted March 14, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
               
Bukas na umano ang gagawing test power distribution sa grid ng Petrowind Energy, Inc. sa bayan ng Nabas sa Aklan.

Ito ang sinabi ni Akelco Engr. Joel Martinez, kung saan ang nasabing umanong testing ay para masukat ang kapasidad ng wind power production ng nasabing kumpanya.

Nabatid na ang Petrowind wind farm sa Nabas ay naglalayong makapag-bigay ng 50 megawatts na power ng kuryente kung saan ito rin ang ikinukunsidira bilang pinakamalaking single investment sa probinsya ng Aklan ngayon.

Sinabi pa nito na ang test operation ay para matukoy na ang bagong tayong wind farm ay handa ng makapag-generate ng elektrisidad.

Samantala, ang Petrowind wind na itinayo sa paanan ng bundok sa bayan ng Nabas ay inaasahang bubukasan din sa publiko para maging isang tourist destination sa probinsya ng Aklan kung saan tanaw mula dito ang isla ng Boracay at Carabao, Island sa Romblon.

No comments:

Post a Comment