YES THE BEST 911 BORACAY

Tuesday, March 17, 2015

PHO Aklan, nagpaalala laban sa mga usong sakit ngayong summer

Posted March 17, 2015
Gloria Villas, YES FM Boracay

Sore eyes, sun burn, sipon at ubo ang ilan sa mga laganap na sakit ngayong summer.

Kaya naman payo ngayon ng Aklan Provincial Health Office (PHO) sa publiko, ugaliing maghugas ng kamay para maiwasan ang madaling pagkapit ng mga sakit.

Ayon kay Dr. Cornelio Cuachon, Provincial Health Officer ng PHO-Aklan, kung may sore eyes, 'wag kusutin ang mata at imbes umano na panyo o bimpo ay tissue na lang ang gamiting pamunas sa mata at agad itong itapon matapos gamitin.

Samantala, pinaalalahanan naman ni Dr. Cuachon ang publiko ukol sa mga haka-haka na nagpapagaling umano ng sore eyes ang ng gatas ng ina o ihi.

Sinabi nito na, mas makakatulong umano ang paghihilamos at paghuhugas ng kamay upang madaling gumaling ang sore eyes kaysa sa mga nabanggit na pamamaraan.

Karaniwan umanong lumalaganap ang sore eyes tuwing Enero hanggang Marso  sa panahon ng tag-init at mula Agosto hanggang Setyembre naman sa panahon ng tag-ulan.

No comments:

Post a Comment