Tuesday, March 17, 2015

Paggunita sa Fire Prevention Month idadaan sa Fun Run ng CIVICOM at BISFPU

Posted March 17, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Bilang paggunita sa Fire Prevention Month ngayong buwan ng Marso isang “Run for a Fire Safe Community” ang ilulunsad ng CIVICOM sa pakikipagtulungan sa BISFPU.

Ito ay nakatakdang gawin ngayong darating na Marso 29 sa beach front ng Brgy.Balabag isla ng Boracay.

Nabatid na ito ang kauna-unahang Zombie Fun Run 2015 ng KABALIKAT CIVICOM 961 at ng Boracay Island Special Fire Protection Unit (BISFPU).

Napag-alaman na mayroong mga nakatalagang Zombie at Monster sa mga areas kung saan dadaan ang mga kasaling Runner sa nasabing Fun Run.

Inaasahan din na ito ay kakaibang klaseng Fun Run kumpara sa mga inilulunsad sa Boracay ng ibat-ibang organisasyon.

Samantala, hinikayat naman ng CIVICOM 961 at ng BISFPU ang mga nais sumali sa kanilang aktibidad na makipag-ugnayan lamang sa kanilang tanggapan para sa mga mechanics para dito.

No comments:

Post a Comment