Posted March 16, 2015
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Nasa plano na rin umano ngayon ng Boracay Action
Group (BAG) na magkaroon ng Siren system sa isla.
Ayon kay BAG Adviser/Consultant Leonard Tirol, naisama
na rin umano ito sa kanilang mga plano kaugnay ng Disaster Preparedness subalit
naka-depende pa rin ang pagsasakatuparan nito sa budget ng LGU Malay.
Samantala, ang Siren system ay karaniwang ginagamit
upang maagang e-alerto ang komunidad kapag mayroong mga emerhensya sa panahon
ng kalamidad tulad ng baha, lindol, sunog, bagyo at iba pa.
Mayroon naman itong kulay na pula, dilaw at berde
na tumutukoy sa alarm level.
No comments:
Post a Comment