YES THE BEST 911 BORACAY

Friday, March 20, 2015

6 pulis ng Boracay PNP Station, dumalo sa 3 araw na Communication Development Seminar

Posted March 19, 2015
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Image by Boracay PNP Station
Anim na mga pulis mula Boracay PNP Station ang dumalo sa tatlong araw na Communication Development Seminar sa Police Regional Office 6.

Ayon sa BTAC, kabilang sa mga dumalo sina P03 Christopher Mendoza, P03 Conrado Espino Jr, P01 Iriel Fernandez, PO1 Kristina Dajay, P01 Joner Bandies at P01 Jeanbee Carcole.

Sinasabi na ang pantas-aral ay dinaluhan din ng 53 iba pang mga pulis mula sa Aklan PPO, Iloilo City PO, Bacolod City PO, Negros PPO at Iloilo PPO.

Image by Boracay PNP Station
Nagsilbi naman bilang mga lecturers ng iba’t-ibang paksa ang mga staff ng Police Community Relations Groups at opisyal mula sa PRO-6.

Ayon pa sa BTAC, ang nasabing aktibidad ay isinagawa bilang paghahanda ng mga papasok na pagpupulong para sa 2015 Asia Pacific Economic Cooperation Meeting na gaganapin sa Abril 29-30, 2015 sa Bacolod City; Mayo 15-24, 2015 sa Boracay Island at September 2015 sa Iloilo City.

Nabatid na nasa dalawang libong delegado mula sa 21 bansa ang inaasahan namang dumalo sa sinasabing internasyonal na pagtitipon.

Kaugnay nito, ang 59 na mga nagtapos ng Communication Development Seminar ay itinalaga sa ilalim ng Sub-Task Group Community Project Management (CPM) sa panahon ng APEC Meeting.

Samantala, ginanap ang nasabing Seminar nitong ika-16 hanggang 18 ng Marso.

No comments:

Post a Comment