Thursday, March 19, 2015

Ordinansa para masiguro ang magandang operasyon ng irigasyon sa Aklan, isinusulong sa Sangguniang Panlalawigan

Posted March 18, 2015
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Image result for irrigation systemIsinusulong ngayon ni Sangguniang Panlalawigan (SP) Member Emmanuel Soviet Dela Cruz ang ordinansa na naglalayong ma-regulate ang mga irrigation services sa Aklan.

Ito’y upang masiguro ang magandang operasyon ng mga irigasyon sa probinsya.

Ayon kay Dela Cruz, sa pamamagitan umano nito magkakaroon ng mabilis na serbisyo at magandang irrigation systems ang Aklan.

Gayunpaman, isinangguni muna ito ng konseho sa komitiba ng Agriculture at Environment.

Samantala, magugunita naman na nag-aproba ang SP Aklan ng isang resolusyon kaugnay ng pag-adopt ng System Management Committee (SMO) sa Resolution No. 01, Series of 2014 on the policies of Aklan League of Federation of Irrigator’s Association, Inc. (ALFIA).

No comments:

Post a Comment