Thursday, March 19, 2015

Pagpatay sa isang babae sa Boracay nitong Linggo, may suspek na

Posted March 19, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

May suspek na ang Boracay PNP Station sa pagpatay sa isang babae sa Sitio. Tulubhan Manoc-manoc Boracay nitong Linggo.

Sa embistigasyon ng mga pulis nakuha nila ang pangalan ng suspek sa mismong katrabaho nito kung saan residente umano ito ng Brgy. Malasibog, Esclante City Negros Occidental.

Sa kabilang banda natuntun din ng mga pulis ang barracks ng hindi na muna pinangalanang suspek kung saan nakuha ang kanyang jersey sports na puno ng dugo ng tao.

Bagamat atlarge pa ang nasabing suspek sinabi naman ni PO3 Avin Dela Cruz na magsasampa na sila ng kaso laban dito.

Matatandaang wala ng buhay ng matagpuan ang biktima na kinilalang si Dona Vivas mula Leyte at nagtratrabaho sa isla ng Boracay na puno ng saksak o multiple stab wounds sa katawan.

No comments:

Post a Comment