YES THE BEST 911 BORACAY

Wednesday, March 18, 2015

Mga batang namamalimos sa Boracay pag gabi, talamak parin

Posted March 18, 2015
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

Image result for mendicancy clip artTalamak parin ang mga batang namamalimos sa Boracay.

Partikular na nagiging ‘eye sore’ sa gabi ang mga batang namamalimos sa vegetation area ng station 2.

Base sa mga nakalap naming reklamo at impormasyon, makukulit at nanghahabol pa ng mga turista ang mga bata kahit hatinggabi o madaling araw para lamang mamalimos.

Ang mas masaklap, sinasabing naroroon lamang sa madilim na lugar ang mga magulang ng mga bata at inuutusan silang manghingi sa mga dumadaan.

Dahil dito, ilan naman sa aming nakausap na concerned citizen ang nagpaabot ng pagkadismaya kung bakit mistulang hindi ito inaaksyunan ng DSWD o Department of Social Welfare and Development.

Nakakahiya umano kasi ito sa mga turista lalo pa’t isang ‘World Class Tourist Destination’ ang isla ng Boracay.

Samantala, magugunitang nagpaabot ng apela sa pamamagitan ng himpilang ito si USEC. Florencia Dorotan ng NAPC o National Anti-Poverty Commission sa DSWD na gawin ng puspusan ang kanilang trabaho upang mapangalagaan ang kaligtasan ng mga bata laban sa human trafficking at iba pang masasamang loob.

PS: Bukas po ang aming himpilan para sa mga kinauukulan na nais magbigay ng pahayag sa balitang ito.

No comments:

Post a Comment