Wednesday, March 18, 2015

German national, pinagtulungang bugbugin ng 3 kalalakihan sa Boracay

Posted March 18, 2015
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Image result for police blotterPatuloy pa ring iniimbestigahan ng mga pulis ang isang kaso ng pambubugbog di umano sa isang German national kaninang madaling araw sa Boracay.

Ayon sa blotter report ng BTAC, naglalakad ang 30 anyos na turistang si Guangtu Zuo kaninang madaling araw sa station 1 Balabag, Boracay nang bigla umano itong sugurin ng tatlong kalalakihan at pinagtulungang bugbugin.

Dagdag pa nito na tinangka pa umano nyang habulin ang mga hindi nakilalang suspek subalit mabilis din ang mga itong nakatakas papuntang Station 2.

Samantala, sa kabila ng tinamong sugat at pinsala sa katawan, tumungo parin ang turista sa presento ng pulis upang magsumbong.

No comments:

Post a Comment