Posted March 18, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Inaprobahan na ngayon ng Sangguniang Bayan (SB) Malay ang
pag-operate ng Yellow Submarine sa isla ng Boracay.
Ito’y matapos ang ginawang mahaba-habang pag-aaral dito
ng konseho kasama na ang pag-suri sa area kung saan ilalagay ang nasabing
Submarino.
Nabatid na nakapagbigay ng kaukulang dokumento ang
operator ng nasabing Submarine base na rin sa hinihiling ni SB Member at
Chairman ng Committee on Tourism Jupiter Gallenero.
Bagamat wala pang ensaktong petsa kung kaylan magsisimula
ang operasyon nito nakahanda naman itong dalhin sa Boracay mula sa Cebu kung
saan ito naunang nag-operate.
Nabatid na bubuksan ito sa mga turista bilang dagdag
atrakasyon sa turismo ng isla ng Boracay.
Samantala, nilinaw naman ng Konseho na hindi ito
makaka-apekto sa magagandang korales ng Boracay dahil isa rin umano itong environmental
friendly.
Nabatid na mamamalagi lamang ito sa isang area base na
rin sa napagkasunduan ng may-ari at ng Lokal na Pamahalaan ng Malay.
No comments:
Post a Comment