Posted March 19, 2015
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay
Ilan lamang ito sa mga kasong kagagawan umano ng
mga construction workers sa isla ng Boracay na madalas maging sakit sa ulo ng
mga kapulisan.
Subali’t mas nakakabahala dito ang kasong pagpatay
nitong Linggo, kung saan itinuturong suspek ang isang construction worker.
Bagay na tinututukan ngayon ng Boracay PNP, katunayan,
sinabi ni Boracay PNP OIC PSInsp. Frensy Andrade na makikipagdayalogo siya sa
mga contractors and builders sa isla.
Bagama’t aminado si Andrade na hindi naman talaga
maaaring pagbawalang lumabas ang mga construction workers.
Sinabi nito na kailangang may polisiya ang mga
contractors at builders para sa kanilang mga trabahador, lalo na sa mga
lumalabas sa kanilang barracks sa gabi at nakikipag-inuman na kadalasang nauuwi
sa kriminalidad.
Samantala, payo naman ni Andrade sa mga
construction workers na itabi ang kanilang kita para sa kanilang pamilya sa
halip na ubusin lamang sa alak.
Nabatid na hindi lamang sa mga nabanggit na
kriminalidad nagiging sakit sa ulo ng mga otoridad ang mga naturang trabahador
kungdi maging sa paglabag sa mga odinansa sa isla katulad ng pag-ihi sa dagat,
paninigarilyo at pagtapon ng upos nito sa dalampasigan.
No comments:
Post a Comment