Wednesday, March 18, 2015

Lalaking may warrant of arrest sa kasong pagtutulak ng illegal na droga, timbog sa Boracay

Posted March 18, 2015
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Arestado kagabi sa Balabag Boracay ang isang lalaki dahil sa kasong pagtutulak ng illegal na droga.

Nadakip ang akusadong si Anthony Aparecio, 33 anyos ng Barotac Nuevo Iloilo sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng Regional Trial Court, 6th Judicial Region, Branch 68, P.D Monfort North, Dumangas, Iloilo noong ika-18 nitong nakaraang taon.

Samantala, nabatid naman na walang inilaang pyansa para sa nasabing kaso.

Sa ngayon, nasa kustodiya pa rin ng BTAC si “Aparecio” at nakatakdang dalhin sa bayan ng Kalibo.

No comments:

Post a Comment