Posted March 16, 2015
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay
Mahigit tatlong libong pulis ang nakatakdang ipapakalat
para sa nalalapit na APEC Ministerial meeting sa Boracay.
Ito na ang itinuturing na pinakamalaking security
event na idaraos sa isla sa darating na buwan ng Mayo.
Ayon kay Boracay PNP OIC PSInsp. Frensy Andrade, manggaling sa regional at national command ng PNP
ang mga ipapakalat na kapulisan.
Subali’t maliban dito, may mga close in security din
ang mga delegates mula sa 21-member economies ng APEC kung kaya’t kampante
umano si Andrade na magiging matagumpay ang napakalaking event sa isla.
Sinabi pa ni Andrade na may mga ‘friendly forces’
din na nakahandang tumulong para sa seguridad ng nasa 4,500 delegates at
journalists na dadalo sa nasabing pagpupulong.
Magugunitang umapela si APEC 2015 National
Organizing Council (NOC) Director General Marciano Paynor ng malawakang
kooperasyon para sa ikakatagumpay ng aktibidad sa isla at lalawigan ng Aklan.
No comments:
Post a Comment