Posted June 28, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
www.boracay.travel.com |
Pinaalalahan ng Municipal Tourism Office sa pangunguna ni
Chief Tourism Officer Felix G. Delos Santos ang mga turistang nabibiktima ng
illegal na island Activity sa Boracay.
Ito’y kaugnay sa ilang reklamong natatanggap ng Boracay
PNP sa mga turistang na biktima umano ng illegal commissioner sa isla.
Aniya, ang identified na area ng marketing and selling ng
product and services sa Boracay ay may iisang lugar lamang na makikita sa
station 1 at station 3.
Ito umano ay mga accredited tourism front liners para sa
Sea sports at island hopping activity.
Samantala, sinabi pa ni Delos Santos na hindi nag kulang
ang kanilang opisina sa pagbibigay ng paalala o impormasyon sa mga turista
kaugnay sa Boracay activities.
Sa kabilang banda maaari din umanong maharap sa kasong Estafa ang mga island activity na hindi rehistrado sa Boracay Island Hopping Association (BIHA) gayon din ang illegal commissioner na naniningil ng malaking halaga at hindi ibinibigay ang magandang serbisyo.
No comments:
Post a Comment