YES THE BEST 911 BORACAY

Thursday, June 26, 2014

Babae sa Boracay, sinipa at kinagat ng kapwa babae habang nasa loob ng isang bar

Posted June 26, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Nagreklamo sa Boracay PNP Station ang 27 anyos na babae na si “Jessica” matapos na sipain at kagatin habang nasa loob ng isang bar sa Balabag Boracay.

Ayon sa report ng biktima sa mga pulis, alas dos y medya kanina ng madaling araw habang nasa loob ito ng nasabing bar ay kinausap sya ng suspek na si “Roselyn”, kanyang kapitbahay sa Manoc-manoc Boracay.

Ilang sandali pa, sa hindi umano malamang rason ay bigla na lamang nagalit ang suspek at kaagad itong sinipa, hinila ang buhok at kinagat ang kanyang kanang binti.

Nagtamo naman ng mga galos ang biktima dahil sa nangyaring sabunutan at away nila ng suspek.

Samantala, ine-refer ngayon ng Boracay PNP Station ang nasabing kaso sa Brgy. Justice System ng Manoc-manoc Boracay.

No comments:

Post a Comment