Posted June 24, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Nakahanda na ang Lifeguard Boracay, Philippine Coastguard
at Red cross Boracay-Malay Chapter para sa pagdiriwang ng San Juan ngayong
Araw.
Kabilang sa preparasyon ng Coastguard Caticlan ay ang
kanilang isasagawang monitoring ngayon sa lahat ng mga baybayin magmula sa
bayan ng Tangalan hanggang sa bayan ng Buruanga sakay ng kanilang motorbanca.
Ayon naman sa Lifeguard Boracay, mag-momonitor din sila
sa beach front magmula sa station 1 hanggang sa station 3 para sa inaasahang
pagdami ng mga maliligo.
Nabatid naman na makikipagtulungan ang Redcross sa
Lifeguard para dito bagamat wala din umano silang masyadong paghahanda kung
saan normal lang din itong nangyayari sa isla.
Ngunit sa kabila nito marami rin ang inaasahang
maliligong mga residente sa Boracay sa iilang beach sa isla katulad sa Puka
Beach at sa area ng Tambisaan na isa rin sa magagandang paliguan.
Bagamat hindi isang Holiday ang Kapistahan ng San Juan
nabatid na ilang paaralan sa probinsya ang inaasahang hindi magka-klase dahil
sa karamihan sa mga mag-aaral ay hindi papasok sa eskwela para maligo sa dagat.
Samantala, paalala parin ng mga otoridad sa lahat ng mga
maliligo sa dagat ang ibayong pag-iingat lalo na ngayon at pabigla-bigla ang
pagbabago ng panahon na nagreresulta ng paglakas ng alon at pagtaas nag level
ng tubig.
No comments:
Post a Comment