Posted June 27, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Sa darating na Oktobre pa umano malalaman ang resulta ng
isinagawang evaluation ng Regional Assessment Team (RAT) sa LGU Malay.
Ayon sa Malay DILG Office matagal-tagal pa bago ilabas
ang resulta ng nasabing grupo dahil sasailalim pa ito sa ilang pag-aaral o
assessment.
Ang ginawang evaluation ay pinangunahan ng Department of
Interior and Local Government Unit (DILG), Philippine National Police (PNP) at
University of San Agustin (USA).
Nabatid na ito ay para sa Seal of Good Local Governance
kung saan kinabibilangan ng lahat ng mga department heads ng LGU Malay.
Kabilang pa sa ginawang evaluation ay ang pag-iikot sa
mga pangunahing lugar sa nasabing bayan para tingnan ang mga proyekto at mga
livelihood programs.
Maging ang mga pantalan at isla ng Boracay ay sinuri din
ng nasabing grupo para makita kung paaano ito pinalalakad ng LGU Malay.
Umaasa naman ang nasabing bayan na magiging maganda ang
kakalabasan ng resulta ng isinagawang evaluation.
No comments:
Post a Comment