Posted June 25, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Nagngingitngit si Aklan Sangguniang Panlalawigan
(SP) Member Rodson Mayor dahil hindi sya nakapagbigay ng kanyang privilege speech sa
SP Session nitong umaga.
Ito’y matapos na wala kasi doon si Aklan Vice
Governor Gabrielle Calizo-Quimpo na sya umano sanang puntirya nito sa kanyang
privilege hour.
Sa ginanap na 21st Regular Session
kanina ng SP Aklan, hiniling ni SP Member Mayor na e-reserve nalang muna ang
kanyang privilege hour sapagkat ang laman ng kanyang pagsasalita ay nagsasabi
at humihiling sa Bise Gobernador na ito’y mag-resign sa pwesto.
Naging basehan ni SP Mayor ang umano’y, nagkaroon ng “betrayal of public trust” at
nilabag ng Bise Gobernador ang 30 days period na hindi dapat ma-interrupt ng anumang
aksyon sa mga referrals ng committee meetings/hearings, public hearings, period
of debates, amendments at iba pa pang mga dokumento na sakop ng batas ng DILG.
Samantala, nabatid naman na si Vice Governor
Gabrielle Calizo- Quimpo ngayon ang naging OIC ni Governor Florencio Miraflores
kaya’t wala ito kanina sa session.
Umaasa naman ang iba pang mga myembro ng konseho na
mapapanatili parin ang pagkakaisa sa probinsya para sa kaunlaran ng lahat.
No comments:
Post a Comment