Posted June 23, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Magsasama sa isang Dinner Conference ang 2015 APEC
Malay Task Group at APEC-NOC Ocular Team mamayang gabi.
Ito’y bilang paghahanda para sa nalalapit na ocular
inspection ng APEC-NOC.
Nabatid na ang isla ng Boracay ay kinilala bilang
isang sites para sa APEC meetings, kung saan isa dito ay meeting ng Ministers
Responsible for Trade (MRT), kasama ang Department of Trade and Industry (DTI)
bilang lead agency.
Ngayong araw naman hanggang bukas ay magkakaroon ng
ocular inspections sa isla ng Boracay ang DTI na kinabibilangan din ng ODG para
mag-inspeksyon sa hotel venues, airport facilities at iba pang posibleng sites
na maaaring gamitin para sa pag host ng Pilipinas sa APEC 2015, kasama ang DTI
Team.
Samantala, ang nasabing grupo ay pangungunahan ni
Ambasasador Ma. Angelina M. Sta. Catalina, Deputy Director for Conference
Management & Services kasama ang ibang Heads ng working committee at ang
management ng lahat ng APEC Meeting.
No comments:
Post a Comment