Posted June 23, 2014
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay
Gumuho ang malaking bahagi ng Tambisaan
port sa Manoc-manoc nitong Sabado.
Ayon sa ilang mga porter doon, nagulat na
lamang sila sa isang malakas na tunog na kung may anong malaking bagay ang
nahulog sa tubig.
Nang kanilang tingnan, natuklasang isang malaking
bahagi pala ng port na madalas nilang tinatambayan ang gumuho.
Kuwento ng isang porter na si Jason, nitong
nakaraang Sabado ng hapon nang mangyari ang pagguho.
Mabuti na lamang aniya at hindi tinamaan
ang mga batang naliligo malapit doon.
Samantala, ayon naman sa ilang residente
doon, maaaring lumambot na ang gumuhong bahagi ng port dahil sa epekto ng mga
naranasang lindol, lalo pa’t isa umano itong korales.
Wala namang napaulat na nasaktan sa nasabing
pagguho at hindi naapektuhan ang operasyon ng nasabing port.
No comments:
Post a Comment