YES THE BEST 911 BORACAY

Thursday, June 26, 2014

Test Pile para sa Port Expansion ng Cagban Jetty Port inuumpisahan na

Posted June 26, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

www.boracayblog.com
Inuumpishan na umano ngayon ang isinasagawang Test Pile para sa Port Expansion ng Cagban Jetty Port.

Ayon kay Special Operation Officer III Jean Pontero ng Caticlan Jetty Port, dadagdagan umano ng 51 meters na haba ang idudugtong sa kasalukuyang port dahil sa may kaliitan ng rampa nito na siya ring dahilan ng mabagal na operasyon ng mga bangka sa tuwing low tide.

Aniya, sakaling matapos ito ay maaring ng makapag dock ng sabay-sabay ang mga bangka sa nasabing pantalan dahil din sa mga idadagdag nilang mga hagdanan.

Nabatid na ang proyektong ito ay ipinatupad ng Department of Transportation and Communication (DOTC) matapos ang kanilang isinagawang inspeksyon sa isla kasama si DILG Secretary Mar Roxas.

Sinabi pa ni Pontero na target itong tapusin bago ang pagpasok ng summer season sa susunod na taon.

Sa ngayon umano ay may iba pa silang pinaplano para sa pagpapaganda ng Caticlan at Cagban Jetty Port.

No comments:

Post a Comment