Posted June 23, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Susuriin ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) Aklan ang gumuhong bahagi ng Tambisaan Port sa Manoc-manoc Boracay.
Ito ang sinabi ni Merlita Ninang ng DENR Aklan
Administration Department nang makarating sa kanilang atensyon ang nangyari sa
nasabing pantalan.
Tiniyak din ni Ninang na ipapaabot niya sa mga
mataas na opisyal ng DENR ang impormasyon upang maaksyunan.
Samantala, nabatid na gumuho ang malaking bahagi ng
Tambisaan Port sa Manoc-manoc Boracay nitong Sabado, kung saan sinasabing
lumambot ang gumuhong bahagi nito dahil sa epekto ng mga naranasang lindol,
lalo pa’t isa umano itong korales.
Hindi naman naapektuhan ng nasabing pagguho ang
operasyon ng port doon.
No comments:
Post a Comment