Posted June 26, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Ikinagulat ng dalawang construction worker sa
Boracay na ang kanila palang nahukay ay dalawang riffle grenade sa likod ng
isang resort sa Balabag Boracay.
Ayon sa report ng Boracay PNP, kaagad na
nirespondehan ng 215th EOD Team ng Philippine Army ang lugar matapos
makatanggap ng tawag mula sa isang staff doon.
Lumalabas sa pagsisiyasat na alas dos kahapon ng hapon, habang
naghuhukay ang dalawang stay in construction worker sa lugar gamit ang pala nang
aksidenteng matamaan ang isang thermos.
Nang tingnan umano nila ang thermos ay mayroong
nakalagay sa loob na nakabalot ng papel, saka nalamang riffle grenade pala ang
mga ito.
Samantala, base naman sa isinagawang pagsusuri ng
215th EOD Team, aktibo pa ang dalawang explosive device at sa kustodiya
nila ngayon para sa kaukulang disposisyon.
No comments:
Post a Comment