Posted June 27, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Umabot sa mahigit 735 libong turista ang naitala ng
Municipal Tourism Office (MTO) na nagbakasyon sa isla ng Boracay ngayong half
quarter ng taon.
Basi sa naitalang record ng Mtour Boracay umabot sa
735,060 turista ang kanilanag nai-record simula nitong buwan ng Enero hanggang
buwan ng Mayo.
Karamihan sa mga ito ay Domestic na 409, 693 na sinundan
ng Foreign Tourist na 303, 683 at overseas Filipino na 21, 729 habang 3, 291 na
iba pa.
Nabatid na nagunguna parin ang mga turistang Pinoy na
pumupunta sa Boracay sa loob ng limang buwan habang sumunod ang Chinese tourist
na 100, 108 at pumangatlo naman ang Korean tourist.
Bagamat nangangalahati palang sa target na 1.5 million
tourist arrival ang Boracay para sa taong 2014 umaasa naman ang Municipal
tourism Office at Provincial Government na maabot ito.
Samantala, sa kabila ng dulot ng sama ng panahon at
Habagat patuloy parin ang pagdagsa ng mga turista sa pinakamagandang Beach sa
buong Asya.
No comments:
Post a Comment