Posted June 27, 2014
Ni Alan Palma Sr., YES FM Boracay
Kumpiyansa ang APEC Malay Task Group na ang
kahandaan ng Boracay para sa nalalapit na APEC 2015 ay aprobado sa isinagawang
inspeksyon ng APEC – National Organizing Committee.
Kasama ang DTI Team, sinuri ng APEC-NOC ang mga
lugar sa isla na posibleng pagdausan ng ministerial meetings kabilang na ang
mga pasilidad at mga hotel na may kakayahan para sa mga dadalong delegado.
Maliban sa mga pasilidad sa paliparan, ang
kahandaan sa seguridad , emergency response at transportasyon ay ilan lang sa
mga pinagusapan at binusisi ng Ocular Team kasama ang mga Heads of the Working
Committee ng Malay at Boracay .
Positibo naman ang tugon ni Deputy Director-General
for Conference Management and Services Head -Ambassador Ma. Angelina M. Sta.
Catalina sa paghahanda at mga planong inilatag ng APEC Malay Task Group.
Aniya ,napaka-organisado at mukhang handing-handa
na ang Boracay para APEC 2015.
Bagamat wala pang tiyak na petsa, habilin ni Sta.
Catalina na dapat sapat ang panahon para sa paghahanda.
Ang Boracay ay isa sa mga posibleng pagdausan ng
APEC Meetings sa susunod na taon na may layuning itaguyod ang kalakalan at
pag-asenso sa rehiyon ng Asya-Pasipiko.
No comments:
Post a Comment