Posted June 25, 2014
Ni Bert Dalida YES FM Boracay
Kaugnay ito sa umano’y napansin ng mga individual
passenger ng bangka na tila pinaprayodad ang mga tour guide na may dalang grupo
ng bisita sa pagkuha ng ticket doon sa booth.
Nagiging useless o walang saysay umano kasi ang kanilang
pagpila sa pagkuha ng ticket, dahil unang nabibigyan ang mga tour guide at una
ring nakakasakay ng bangka.
Samantala, bagama’t hindi ito direktang nagbigay ng
komento tungkol sa usapin, sinabi naman ni CBTMPC o Caticlan-Boracay Transport
Multi-Purpose Cooperative Chairman Godofredo Sadiasa na hindi kinukulang ang
mga bangka kung kaya’t tuloy-tuloy din ang biyahe nito.
Ayon pa kay Sadiasa, dalawang ticketing table ang
nilalagay nila doon tuwing Lunes dahil sa mga panday na nagtatrabaho sa isla kung
kaya’t ginawa nilang iba ang pila ng mga panday at iba rin ang sa mga turista.
Tuwing Lunes lang naman kasi aniya nagiging mabigat ang
pila doon.
Samantala, tiniyak din ni Sadiasa na araw-araw nitong
tinitingnan ang operasyon ng Tabon port at wala din umano itong nakikitang
problema doon.
No comments:
Post a Comment