Posted
June 26, 2014
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay
Naghahanda na sa pagsisimula ng Ramadan ang mga kapatid na muslim sa
Boracay.
Kasabay din ito ng nalalapit na pagdiriwang ng banal na buwan ng
mahigit isang bilyong Muslim sa buong mundo.
Ayon sa mga kapatid na muslim, pinaghahandaan nila ang panahon ng
pagbubulay-bulay, pagsamba sa Diyos, pag-aayuno o pagpigil sa sarili at
pagpapatibay ng kanilang ispirituwal na buhay.
Kaugnay nito, nilinaw ng karamihan sa mga muslim na nagmamay-ari ng mga
souvenir shop sa isla na hindi sila magsasara ng kanilang tindahan sa panahon ng
banal na buwan ng Ramadan.
May mga tindera din umano kasi silang magbabantay ng tindahan sakaling
aalis sila para magsamba.
Samantala, nabatid na magsisimula sa darating na Sabado June 28 ang
Ramadan na magpapatuloy sa loob ng 30 araw.
No comments:
Post a Comment