Posted June 23, 2014
Ni
Bert Dalida YES FM Boracay
Mabuti ang ginawa ng
isang resort sa station 3 Boracay na tumawag ng pulis at pinaimbistigahan ang
reklamo ng kanilang guest.
Maaari kasing sila
ang napahiya kung hindi napatunayan na walang katotohanan ang reklamo nito.
Ayon kasi sa police
report ng Boracay PNP, nagreklamo sa nasabing resort ang guest nilang Arabo na
nawawala ang kanyang pera sa volt.
Dahil dito, kaagad
tumawag ng pulis ang resort at pinaimbistigahan ang nangyari sa tulong ng SOCO
o Scene of the Crime Operatives.
Nireview ang CCTV ng
resort, kung saan nakita ang oras na lumabas at bumalik ang Arabo at ang
kanyang pamilya hanggang sa oras na umano’y nadiskubre ang pagkawala ng kanyang
pera.
Tiningnan din ang
volt kung may mga naiwang finger prints, subali’t wala din umanong nakuhang
ebidensiya ang mga taga SOCO.
Kung kaya’t base sa
pag-iimbistiga, nabatid na alegasyon lamang at walang katotohanan ang reklamo
ng Arabo.
No comments:
Post a Comment