Posted June 28, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Inilunsad ng Boracay National High School ang recrafting
School Improvement Program Plan kaninang umaga.
Ito ay para matugunan ang pangangailangan ng nasabing
paaralan at ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng ibat-ibang programa.
Pinangunahan mismo ito ni Mr. Jose Nero R. Nillasca School
Principal II ng Boracay National High School kasama ang school’s and teaching
staff.
Isa ring eleksyon ang isinagawa para sa School Governing
Council (SGO) upang lalong mabigyan ng atensyon ang mga programa at
pangangailangan ng nasabing paaralan.
Layunin din nito na mapangalagaan ang pag-aaral ng
kanilang mga estudyante kung saan target nilang mapababa ang bilang ng drop-out
sa kanilang paaralan.
Nabatid na ang Boracay National High School ay kulang ng
anim na silid aralan, Library at walang sapat na tubig at comport rooms.
Samantala ang pangangailangan ng nasabing paaralan ay
isang hamon para sa mga naihalal na stakeholders at teachers sa School
Governing Council (SGO).
No comments:
Post a Comment