Posted June 27, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Nirerepaso pa at patuloy ang isinasagawang
pagpupulong para sa Coral REEfurbishment Program sa Boracay.
Ito ang sinabi ni Al Lumagod, Project Officer at
Marine Biologist ng Boracay Beach Management Program (BBMP).
Aniya, pangunahing layunin ng nasabing proyekto na dagdagan
ang numero ng mga corals sa isla ng Boracay.
Paliwanag ni Lumagod, kapag dumami na umano ang mga
nasabing corales ay matutulungan din nitong protekhan ang buhangin sa baybayin
lalo na kapag panahon na ng habagat.
Samantala, muli naman nitong ipinaalala sa publiko
maging sa mga turista na ingatan ang mga likas na yaman sa Boracay lalo na’t
parami na ng parami ang mga dumadayo dito at nagkakaroon ng mga iba’t-ibang
aktibidad.
Ang Coral REEFfurbishment Project ay bahagi ng
proyekto ng Coastal Resource Management Program at sa ilalim rin ng Boracay
Beach Management Program na inilunsad noong March 14, 2014.
No comments:
Post a Comment