Sunday, October 02, 2016

Nagpakamatay na babae sa New Washington, Aklan, dahil umano sa problema sa pamilya

Posted October 2, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for suicideProblema umano sa pamilya ang nakikita dahilan kung bakit nagpakamatay ang isang babae sa Jugas, New Washington, Aklan.

Ayon kay PO2 Rolan De Mateo ng New Washington PNP, kinilala ang biktima na si alyas “Marie” 20-anyos.

Base sa imbestigasyon, kasama umano ng biktima ang kanyang mga kaibigan na nag-inuman kung saan ay inihatid naman nila ito pauwi sa kanilang bahay.

Subali’t sa pag-uwi ng kanyang live-in partner na si alyas “ben” nakita nalang nitong naliligo na sa kanyang sariling dugo ang biktima kung saan may tama ito ng tatlong saksak sa kanyang tiyan.

Dinala pa sa Aklan Provincial Hospital ang biktima ngunit idineklara ding dead-on-arrival.

Nabatid, bago nangyari ang insidente ay maka-ilang beses ng nagtangkang magpakamatay ang biktima kung saan problema sa pamilya ang itinuturong dahilan nito.

No comments:

Post a Comment