Posted October 3, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Isa ito sa mga
naging pangunahing topiko sa ginanap na DTI Meets the Media on Consumerism sa bayan
ng Kalibo.
Nabatid na ang
mga Panelists ay sina DTI Aklan Officer In-Charge Carmen Iturralde, Mark Tropa
ng Deped, Rodel Lababit, Agustin Bautista ng DENR at Milagros Cordova ng Office
of the Provincial Agriculture kung saan ang naging bisita naman dito ay ang mga
Media sa Aklan.
Kaugnay nito,
sila ay nagsanib pwersa upang mas mapaigting pa ang kanilang pagmonitor sa mga
bilihin lalong-lalo na sa mga kunsumidor.
Sa isinagawang
presscon, binibigyan ng pagkakataon ng mga panelist ang mga taga-Media na
magbigay ng katanungan hinggil sa mga binibiling produkto.
Samantala, isa
nga sa mga naging tanong ng media dito ay kung malalaman kung ligtas nga
ba ang kanilang binibiling produkto, isa na dito ang dekorasyon para sa pasko
lalo na ang christmas lights.
Ayon sa
DTI-Aklan, dapat umanong mayroong Import Clearance Certificate (ICC) o
Philippine Standard (PS) ang kanilang bibilhing Christmas lights kung saan ito
umano ay nagpapatunay na aprobado ng DTI.
Samanata, paalala
pa nito sa mga mamimili na dapat din umanong maging vigilant sa pamimili ng christmas
lights na kanilang gagamitin sa kanilang mga tahanan para maging ligtas ang
kanilang pamilya sa kapahamakan.
No comments:
Post a Comment