Wednesday, October 05, 2016

Supplemental budget ng LGU-Malay, aprobado na

Posted October 5, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Aprobado na sa 3rd and Final Reading ang Supplemental Budget ng LGU-Malay para sa taong 2016.

Sa ginanap na 14th Regular Session kahapon ng SB Malay, inaprobahan na ang naturang budget para sa kabuuang pondo ng Malay at Municipal Economic Enterprise Department (MEED).

Nabatid sa Ordinance No. 01 Series of 2016, inaprubahan ang budget na nagkakahalaga ng P 61, 893, 949.72 para sa bayan ng Malay at P 439, 483.84 sa Municipal Economic Enterprise Department (MEED).

Ilalaan ang nasabing pondo para sa konstruksiyon at sa ibat-ibang mga proyektong sa bayan ng Malay, popondohan din ng LGU ang mga development projects ng ilang barangay pati na ang ibat-ibang programa at serbisyo ng lokal na pamahalaan dito.

No comments:

Post a Comment