YES THE BEST 911 BORACAY

Friday, October 07, 2016

Accreditation sa mga Non-Government Organization sa Aklan, aprobado na

Posted October 7, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Aprobado na sa 11th Regular Session ng SP Aklan ang accreditation sa mga Non-Government Organization (NGO’s) sa Aklan.

Sa sesyon nitong Lunes, inaprobahan ang accreditation sa ilang mga Non- Government Organization (NGO) kung saan layunin nito na mag-operate at magkaroon ng transaction sa probinsya at mapadali ang kanilang proyektong ipinapagawa.

Samantala narito ang mga sumusunod na (NGO) na inaprobahan ng mga miyembro ng 17th SP.

    1.Kalibo International Airport Transport Asociation (KIATA), Incorporated
    2.Men Opposed to Violence Against Women Everywhere (MOVE) Aklan Incorporated
    3.Rural Improvement Club of Estancia (RICE)
    4.World Vission Development Foundation Incorporated
    5.Madalag Development Cooperative (MADECO)

Kaugnay nito, isa rin sa paraan ng mga NGO ang pagpapa-acredit sa SP ay para magkaroon sila ng pondo kung saan magagamit nila ito sa kanilang mga proyekto.

No comments:

Post a Comment