Wednesday, October 05, 2016

Ukranian national sa Boracay, nagwala;kulong

Posted October 5, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for kulongIpina-kulong ngayon ng Security Guard sa isang Convenience store sa Station 2, Balabag, Boracay ang turistang Ukranian national matapos itong manggulo sa lugar.

Sa blotter report ng Boracay PNP, ini-reklamo ng biktima na si John Benron Tobilla, 25-anyos ang suspek na si Dan Jordan, 25-anyos itoy matapos manggulo sa tindahan sa lugar.

Nabatid na nasa ilalim ng nakakalasing na inumin ang  ng pumasok sa tindahan kung saan umupo ito sa upuan at nakatulog.

Nguni’t makalipas umano ng ilang minute, napansin ng biktim na nahulog ito sa kanyang inuupuan kung saan ng kanya nang tutulungan ang suspek ay ikinagalit naman nito dahilan at nagwala at pinaggugulo nito ang mga grocery na nasa tindahan.

Dahil dito, pinusasan ng biktima ang suspek at dinala sa Boracay PNP kung saan ito ngayon ay pansamantalang naka-kulong sa kanyang nagawang kasalanan.

No comments:

Post a Comment