YES THE BEST 911 BORACAY

Friday, October 07, 2016

Mga masahista sa Boracay, pina-iimbestigahan ng Sangguniang Bayan

Posted October 7, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for SB Nenet Aguirre-GrafIsa ngayon ang Spa sa Boracay na maituturing na may malaking kontibusyon pagdating sa mga turista dahil patok ito sa kanila pagdating sa pagpapamasahe.

Kaugnay nito, naging usapin itong mga masahista sa ginanap na SB session nitong Martes, may kinalaman sa  umano’y nangyari kay SB Nenet Aguirre-Graf ng ito ay nagpamasahe na naging dahilan kung bakit hindi niya maigalaw ang kanyang katawan.

Nabatid na meron umanong nagalaw ang masahista sa parte ng kanyang katawan dahilan para ito ay sumakit.

Kaya naman nais niyang ipa-abot sa mga kapwa miyembro sa Sangguniang Bayan ng Malay na kanyang i-review ang ordinansa ng masahista ng sa gayon ay hindi sila makaperwisyo ng kanilang mga customer lalong-lalo na ang mga turistang nagpapamasahe.

Aniya, dapat umanong imbestigahan ang mga masahistang ito kung sila ba ay may akreditasyon ng Department of Health (DOH) at kung paano sila tini-train bago bigyan ng permit.

Kaugnay nito, sinabi ni Vice Mayor Sualog na bago mag-renew ang massage operators ngayong taon ay kailangan munang tingnan kung ang kanilang mga masahista ay mayroong permit.

Nabatid na merong ordinansa ang DOH para sa mga massage therapist na “No License, No Permit Policy”.

Samantala, itong usapin ay ini-refer na sa dalawang komite na pinamumunuan ni SB Natalie Paderes sa Committee on Health and Sanitation at SB Jupiter Gallenero sa Committee on Ordinance.

No comments:

Post a Comment