YES THE BEST 911 BORACAY

Tuesday, October 04, 2016

Wifi service sa Boracay Airport, pinalakas

Posted October 4, 2016
Ni Inna Carol Zambrona, YES FM Boracay

Masayang ibinalita ng Trans Aire Development Holdings Corporation ang mas pinaganda at pinalakas na free Wifi service sa paliparan ng Boracay Airport.

Ayon sa Trans Aire, ang lahat na bumibiyahe papunta at palabas ng Boracay at probinsya ng Aklan ay maaari ng i-enjoy ang mas mabilis na internet at digital surfing habang nag-aantay ng kani-kanilang flights.

Ang paglatag ng proyektong ito ay bahagi raw ng unang bugso ng nationwide roll-out ng Smart mula sa 1 Billion na puhunan ng PLDT Group para sa tumataas na demand ng Wifi hotspots sa lahat ng pantalan at paliparan sa buong bansa.

Isa sa mga nakitang rason ay ang tumataas na bilang ng mga gumagamit ng smartphone and digital at data services sa bansa.

Katunayan, ika labim-pitong paliparan na raw ang Boracay Airport na kanilang kinabitan maliban sa mga seaports at mass transport system tulad ng MRT at LRT sa Maynila.

Siniguro din ng pamunuan ng paliparan na angkop ito sa mga foreign tourist na mahilig sa gadgets dahil sa lakas daw nito ay kaya nitong serbisyohan ang mahigit tatlong libong katao na nais mag-konekta.

Samantala, balak din nilang lagyan ng kahalintulad na serbisyo ang mga pantalan lalo na sa isla ng Boracay.

No comments:

Post a Comment