Friday, October 07, 2016

Principal sa Nabas, Aklan, patay matapos maaksidente sa sinasakyang tricycle

Posted October 7, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for accidentHindi na naka-abot pa ng buhay sa ospital ang isang School Principal matapos itong tumilapon habang sakay ng tricycle sa Poblacion, Nabas, Aklan.

Ayon kay SPO4 Crispin Calsado ng Nabas PNP, sakay umano ng tricycle na minamaneho ni Jed Taniongon, 29 anyos ng Brgy. Laserna Nabas ang biktimang si Juliet Salminao ng Buenasuerte Nabas , 46-anyos Principal 1 ng Gibon Elementary School ng mabungguan ito ng truck na may karga ng mga tubig na minamaneho naman ni Reynan Saracanlao ng Sebaste Antique.

Dahil umano sa malakas na pagbangga ng truck sa tricycle ay nagpagulong-gulong ang sinasakyan ni Salminao dahilan para tumilapon ito at naipit ang kanyang katawan sa gulong ng truck kung saan natagalan pa bago ito makuha.

Agad namang dinala ang biktima sa Ibajay District Ospital subali’t idineklara itong DOA o Dead-On-Arrival ng doctor.

Samantala, ang driver naman na si Taniongon ay dinala na sa syudad ng Iloilo dahil sa kanyang natamong sugat.

Ang suspek naman ay naka-kostudiya na sa Nabas PNP at nakatakdang sampahan ng kaso.

No comments:

Post a Comment