Friday, October 07, 2016

24-anyos na lalaki kulong, matapos tangkaing saksakin ang therapist

Posted October 7, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for kulong sa pananaksakHuli sa tangkang pananaksak ang isang 24-anyos na lalaki sa isang Spa sa Sation 1, Barangay Balabag, Boracay kahapon ng hapon.

Base sa blotter report ng Boracay PNP, kinilala ang biktima na si Justin Aguinido 21-anyos, isang Therapist sa naturang Spa.

Ayon sa biktima, nagwawalis ito sa labas ng Spa ng nilapitan siya ng suspek na kinilalang si Mark Christian Gara ng Sablayan, Mindoro Occidental.

Nasa ilalim umano ito ng nakalalasing na inumin, kung saan tinapik siya nito at tinangkang saksakin ng kanyang hawak na kutsilyo.

Dahil umano sa hawak ng suspek na kutsilyo ay itinulak ito ng biktima at mabilis na pumasok sa loob ng Spa.

Ngunit, kahit nasa loob na si Aguinido ay hinabol parin ito ng suspek at gusto talaga nitong saksakin ang biktima sa hindi pa malamang dahilan.

Kaugnay nito, inawat naman ng may-ari ng Spa ang nangyaring kaguluhan at agad namang nahuli ang suspek ng mga rumespondeng pulis.

Samantala, ang suspek ay pansamantalang naka-kulong sa Boracay PNP station.

No comments:

Post a Comment