Monday, October 03, 2016

Butanding nakitang patay sa baybayin ng Malay

Posted October 3, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for butandingNatagpuan ang isang patay na whale shark o butanding sa baybayin ng Barangay Naasug, Malay nitong Sabado.

Ayon kay PO1 Neri Garete Jr. ng Maritime Police, nakatanggap umano sila ng tawag mula sa bantay dagat sa lugar na meron umanong butanding na nakita kung saan agad naman nila itong nirespundihan. Subali’t, patay at nangangamoy na ito ng kanilang maabutan.

Aniya, posible umanong matagal ng patay ang butanding dahil sa naaagnas na at putol na ang ibang parte ng katawan nito ng napadapad sa naturang lugar.

Pinag-tulungan naman umano nilang kunin ang patay na butanding na may sukat na labing pitong talampakan ang haba.

Pina-niniwalaan naman umano na dito lang sa karagatan ng Malay naninirahan ang nasabing whale shark.

Samantala, nailibing na ito ng mga Local Officials sa bayan ng Malay.

No comments:

Post a Comment