YES THE BEST 911 BORACAY

Wednesday, October 05, 2016

Improvised Explosive Device, nakitang palutang-lutang sa Balinghai Beach sa Boracay

Posted October 5, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Credit by: SPO1 Chritopher Mendoza
Dalawa umanong Improvised Explosive Device at isang timba ang nakitang palutang-lutang sa dagat ng isang residente habang ito ay naglalakad sa dalampasigan ng Balinghai Beach Barangay Yapak, Boracay.

Dahil dito, kaagad nitong ini-report sa operatiba ng Boracay PNP ang nakita kung saan agad namang pinuntahan ng mga pulis ang lugar.

Ayon kay SPO1 Christopher Mendoza ng BTAC, ni-respondihan ng Boracay PNP, T/SGT Joel Eclar ng 21st Explosive Ordinance Disposal (EOD) Technician Task Group Boracay- Philippine Army ang lugar.

Kung saan sa kanilang pag-imbestiga dito nakita nila ang 49 na blasting caps na nakalagay sa timba habang ang ammonium nitrate naman ay nakalagay sa dalawang galon.

Samantala, nagpapatuloy naman ang ocular inspection ng Boracay PNP, Task Group Boracay-Philippine Army at Philippine Coast guard sa area kung saan nakita ang Improvised Explosive Device.

Sa ngayon, ang narekober na blasting caps at ammonium nitrate ay nasa kustodiya na ng EOD Boracay.

No comments:

Post a Comment