Saturday, October 01, 2016

Kalibo-Numancia Bridge II, planong buksan ngayong buwan ng oktubre

Posted October 1, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Tuloy-tuloy pa rin ang ginagawang pagsa-saayos ng Kalibo-Numancia bridge II kung saan plano itong buksan ngayong buwan ng Oktubre para magamit na ito.

Ito ang magandang balitang ipinaabot ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Sinabi ni Aklan District Engineer Noel Fuentebella, kanila ng minamadali ang construction sa proyekto ng sa gayon ay magamit na ito at maayos na rin ang right of way sa naturang tulay.

Nabatid na aabot sa P370 million ang ipinundo ng DPWH sa pagpapatayo ng tulay kung saan nilagyan rin ito ng sidewalks, baluster railings at street lights.

Ang pagpapatayo ng bagong tulay ay para maibsan ang nararanasang trapiko at ang pagkakaroon ng maayos na biyahe ng mga motorista sa probinsya ng Aklan.

No comments:

Post a Comment