Saturday, October 08, 2016

Boarding House, niluoban ng magnanakaw

Posted October 8, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for magnanakawNagpasaklolo ang isang 33-anyos na lalaki matapos luoban ng magnanakaw ang kanyang kwartong inuupahan sa Station 3, Brgy. Manoc-manoc, Boracay kaninang madaling araw.

Sumbong ng biktimang si Gerald Sularte sa Boracay PNP, alas-kwarto y medya kanina ng pumunta siya ng lababo kung saan ilang minuto umano ang nakalilipas sa pagbalik niya ng kwarto ay nawawala na ang kanyang slingbag.

Nabatid sa biktima na naglalaman ang naturang bag ng mga importanteng ID, cellphone at cash na P 8, 000.

Samantala, sinubukan umanong i-check ng biktima kung saan pumasok ang hindi nakilalang suspek subalit hindi niya ito matuntun dahil sa naka-lock naman ito bago niya iniwan.

Sa ngayon, ay patuloy ang ginagawang imbestigahan ng mga pulis ng Boracay PNP station sa lugar kung ito ba ay may CCTV camera para malaman ang pagkakakilanlan ng supek.

No comments:

Post a Comment