Monday, October 03, 2016

Tatlong kalalakihan, arestado sa buy-bust operation sa Boracay

Posted October 3, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for illegal drugs
Tatlong kalalakihan ang kalaboso sa isinagawang buy-bust operation sa Sitio Bantud, Barangay Manoc-manoc, Boracay.

Kinilala ang mga naaresto na sina Ismael Antonio, 39-anyos ng Roxas City, Capiz, Juris Prudencia, 33-anyos ng Bacolod City at Erec Francisco, 30-anyos ng San Andres, Romblon.

Sa isinagawang operasyon ng Provincial Anti Illegal Drug Special Operation Task Group (PAIDSODG), Boracay PNP at Malay PNP nahuli ang mga suspek kung saan nakuha sa kanila ang tatlong hinihinalang suspected shabu at P 1, 500 na marked money.

Sa ngayon ang tatlong suspek ay naka-kustodiya sa lock-up-cell ng Boracay PNP at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o dangerous drugs act of 2002.

No comments:

Post a Comment