Tuesday, October 04, 2016

Dalawang pamilya sa Aklan, nagkapalit ng pinaglamayang patay

Posted October 4, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for patay
Pagkatapos ng isang linggo umanong pagdadalamhati sa dalawang patay nadiskubre nalang ng kanilang pamilya na ibang tao pala ang kanilang pinaglalamayan.

Una itong nalaman kay Mrs. Adela Ramintas ng Brgy. Pagsanjan, Banga kung saan gabi palang umano ng dinala sa kanila ang labi ng kanyang Ina ay may duda na ang kanyang mga kapatid at pamangkin na hindi ito ang kanilang kamag-anak.

Nabatid na tinanong pa umano nito ang nagdeliver na punenarya subali’t sinagot naman siya nito na wala ng ibang patay sa kanilang punenarya kundi ito lang.

Nag-iba lamang umano ang itsura nito dahil sa gamot na itinurok.

Kaugnay nito, nakumpirma lang na hindi sa kanila ang patay matapos isa sa kanilang kamag-anak ang nagsabi na merong patay sa Brgy. Camaligan, Batan na may kapareho ring hinala katulad nila.

Dahil dito, agad na pinuntahan nila ang lugar kung saan nakumpirma nila na kanila itong Ina at nagkapalit sila ng nalamayan.

Kaugnay nito, ipinagpalit ng pamilya ang kanilang kamag-anak pati na ang kabaong at damit na suot ng mga ito.

Labis naman ang pasasalamat ni Ramintas dahil naibalik sa kanila ang Ina bago ito dalhin sa kanyang huling hantungan.

No comments:

Post a Comment