Thursday, October 06, 2016

Pag-ban ng Flyfish sa mga Sea Sports Activity sa Boracay, sumalang na sa Committee Hearing

Posted October 6, 2016
Ni Inna Carol l. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for fly fishIpinagpaliban muna ang pagban sa Flyfish sa mga Sea Sports Activity sa Boracay.

Sa ginanap na Committee Hearing ng SB Malay nitong Martes, nag-pulong ang mga may-ari ng water sports sa pangunguna ni Committee on Tourism SB Dante Pagsuguiron kung ito ba ay ipagpapatuloy ang pag-operate nito sa Boracay.

Ito umanong usapin ay napag-usapan noong 12th Regular Session kung saan nagpakita ng mga larawan si BAG Consultant Leonard Tirol tungkol sa mga aksidente na kanilang ni-respondihan dahil sa pagsakay sa Fly Fish.

Ayon kay SB Dante Pagsuguiron, paliwanag umano ng mga may-ari sa kanila kaya umano nagkakaroon ng mga aksidente dito, ito’y dahil ni-rerequest ng mga sumasakay na bilisan at taasan ang kanilang pagpapatakbo.

Kung saan ito umano ang dahilan kung bakit nagkakaroon ng disgrasya sa ibang mga sumasakay.

Kaugnay nito, binigyan ng sampung araw ang mga may-ari ng water sports activity na magkaroon ng regulasyon ang kanilang pag-operate na ito ay dapat may nakabantay o nakamonitor na kanilang operator kung saan isa pa umano sa kanilang naisip dito ay kuhanan ng Health Certificate kung sila ba ay pwedeng sumakay nito.

Samantala, kung maka-submit na ang mga ito ay magkakaroon ulit ng meeting kung ito ba ay ipagpapatuloy o hindi.

No comments:

Post a Comment