Thursday, October 06, 2016

15-anyos na dalagita, tinapon sa palayan matapos umano pinag-samantalahan

Posted October 6, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for Women and Children Protection Desk (WCPD)Hinang-hina ng makita ang isang 15-anyos na dalagita matapos itong itinapon sa palayan sa Brgy. Jugas, New Washington, Aklan.

Ayon umano kay Totong Balyer, residenteng nakakita na siya ring nagreport sa mga pulis, nakita niya umano ang biktima na binusalan ang bibig at nakagapos ang mga kamay nito kung saan wala sa ayos ang suot nitong damit at nakababa ang kanyang pantalon at underwear.

Ayon naman kay Women and Children Protection Desk (WCPD) SPO2 Zoila Hilario ng New Washington PNP, agad na ni-respondehan ng kanilang himpilan ang lugar at dito nga gumulantang sa kanila ang dalagita na hindi makapagsalita dahil sa hinang-hina ito.

Sa inisyal umano na imbestigasyon ni Hilario sa biktima, sinabi nito na meron umanong naka-motorsiklo na dalawang lalaki na kumuha sa kanya kung saan may tinakip na panyo sa kanyang ilong dahilan para mawalan ito ng malay.

Nabatid, na wala paring maalala ang biktima kung ano ang ginawa sa kanya ng mga hindi nakilalang suspek matapos ang pangyayari.

Samantala, dinala na ang biktima sa ospital para ipasuri kung ito ba ay pinagsamantalahan.

Kaugnay nito, nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Women and Children Protection Desk (WCPD) para sa pagkakakilanlan ng respunsableng suspek na walang awang gumawa nito sa menor-de-edad na dalagita.

No comments:

Post a Comment