Tuesday, October 04, 2016

Dalawang Chinese Tourist sa Boracay, nabiktima ng Commissioner

Posted October 4, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for estafaPanibago na namang Commissioner ang inireklamo ng dalawang turistang Chinese sa kanilang kinuhang water sports activity sa Barangay Balabag, Boracay.

Kinilala ang dalawang biktima na sina Deng Xuancai, 27-anyos at Wang Xiaoxu, 28-anyos at temporaryong nanunuluyan sa isang hotel sa nasabing Brgy.

Sa report ng biktima sa Boracay PNP, nagpa-booked umano sila ng water sports activity sa sinasabing Commissioner na si Nino Solano kung saan agad naman nila itong binayaran ng P3, 200 para sa Parasailing at Island Hopping activity.

Subali’t sa pagkikita na umano nila para gawin ang Sports activity ay bigong magpakita sa kanila ang suspek.

Samantala, agad naman nila itong inireport sa Boracay PNP kung saan patuloy parin ang ginagawang imbistigasyon ng mga otoridad para tugusin ang nasabing suspek.

No comments:

Post a Comment