Wednesday, June 22, 2016

Bagong kasal na lalaki na food-poisoning sa isang hotel sa Boracay

Posted June 22, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for food poisonNamimilipit sa sobrang sakit ang isang lalaking bagong kasal ng magsumbong sa mga pulis matapos umanong ma-food poisoning sa kinaing inihinda sa kanilang kasal sa isang hotel sa Station 1. Boracay.

Sa report ng Boracay PNP, nagreklamo umano sa kanilang tanggapan si Andrew Reyes 36-anyos, isang Businessman mula USA.

Dito sinabi nito na habang kumakain sila sa reception ay bigla nalang siyang nakaramdam ng pananakit ng tiyan at tila nasusuka.

Ang pagkain umano ng hotel ang sinasabing dahilan kung bakit sumakit ang tiyan nito kung saan maging ang ilan sa kanilang mga bisita ay nakaranas din ng pananakit ng tiyan.

Salaysay pa ng biktima isa umano sa kanyang mga bisita na nakaramdam din ng katulad na kaso ang nagpasuri sa doktor kung saan lumalabas sa resulta na mayroon umanong bacteria ang kanilang kinain na positibo naman sa tinatawag na amoebiasis.

Samantala ang naturang insidente ay idinulog ng Boracay PNP sa Municipal Health office ng Malay para sa masusing embitigasyon tungkol sa nangyari.

No comments:

Post a Comment